Menu

k – 12 Curriculum 

The Philippine National School for the Blind adapts the K-12 curriculum as mandated by the Department of Education. Modes of instruction modified to accommodate the special needs of our students with visual impairment, but it can be assured that their learnings are not compromised. Elective subjects such as Wellness Massage are provided to provide the students with life skills that are helpful given their special condition. 

Kindergarten  |  Elementary  |  Junior High School  |  Senior High School

distance learning

Ang paaralan ay naniniwala na hindi kailanman hadlang ang iyong kapansanan sa paningin upang ikaw ay makapagpatuloy sa iyong pag-aaral ngayong panahon ng pandemya. Kung kaya’t ang buong pwersa ng kawani ng paaralan ay maingat na pinaghahandaan ang darating na pasukan kung saan ang Distance Education ay ang magiging paraan ng iyong pag-aaral.

Upang ikaw sampu ng iyong pamilya ay maliwanagan kung paano ang proseso na gagawin ng paaralan para sa paglulunsad ng programang “Making Distance Learning Accessible to You Wherever You Are”, narito ang isang detalyadong Q and A na maaring makakatulong sa iyo:

[

MAKING DISTANCE LEARNING ACCESSIBLE TO YOU WHEREVER YOU ARE

Bunsod ng pandemyang COVID-19, hindi muna pinapahintulutan ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan gaya ng iyong nakagawian. Bagkus, ikaw ay mag-aaral sa loob ng iyong tahanan.
Oo naman. Pwedeng-pwede kang makapag-aral sa paraan ng distance learning.
Sa darating na pasukan, may dalawang uri ng distance learning ang maaari mong piliin. Ang Modular Delivery Mode at ang Online Delivery Mode.
Ang Modular Delivery Mode (MDL) ay ang uri ng distance learning kung saan ikaw ay mag-aaral gamit ang mga modules na isinulat ng iyong mga guro. Bawat isang asignatura mo ay may kaakibat na module. At ang bawat module ay naglalaman ng aralin para sa isang linggo. Maglalaman ito ng mga pagtalakay, pagpapaliwanag, ibat-ibang mga gawain tulad ng mga pagsasanay at pagtataya. Tiyak kong mag-eenjoy kang basahin ang mga ito.
Ipapadala sa iyo ng paaralan ang iyong mga learning modules saan ka man nakatira sa pamamagitan ng express courier sa buong taon hanggang sa matapos ang panuruang darating. Ang pagpapadala ay libre; wala kang babayaran para dito.
Walang problema. Kung braille ang iyong ginagamit sa pag-aaral, braille din ang aming ipapadala sa iyo. Sabihin mo lamang kung contracted o uncontracted ba ang nais mo. Kasama ng iyong module ay may kalakip na braille paper na iyong magagamit sa pagsusulat at pagsasagot sa iyong modules. Ang mga low vision naman na gumagamit ng large print sa kanilang pag-aaral ay makatatanggap ng large print modules ayon sa laki ng letra na kanilang nais.
Oo, tama ka. Ang iyong mga guro ay nagkaroon ng masusing pagsasanay sa pagta-transcribe ng nilalaman ng print sa braille. Kinakailangan kasi na ang braille ay maging katumbas ng format ng print. Maging ang mahahalagang impormasyon at paglalarawan sa mga larawan at iba pang illustrations gaya ng puzzles at diagrams ay dapat na mai-transcribe din sa braille ng iyong mga guro.
Lahat ng miyembro ng iyong pamilya ay maaari kang magabayan sa iyong module. Si Nanay, Tatay, Ate, Kuya atbp. o di kaya’y kapitbahay mo ay maaari mong mapagtanungan tungkol sa iyong aralin sa module sapagkat mayroong itong kasamang “Parent’s Copy” - ito ay ang printed copy ng iyong mga modules. Ang lahat ng modules mo na naka-braille. Kaya madali ka nilang maalalayan sa iyong module gamit ang Parent’s Copy.
Ang Online Delivery Mode naman ay ang uri ng distance learning kung saan mo makakaugnayan ang iyong mga guro sa pamamagitan ng mga teknolohiya na video conferencing tulad ng google meet, messenger room at iba pa. Sa ODL ang iyong mga guro ay magtuturo ng aralin tulad ng sa isang classroom; na ngayon ay virtual na. Dito ay matutulungan ka ni titser na higit mo pang maunawaan ang mga nakasaad sa iyong modules.
Maaari kang maka-attend ng online class kung ikaw ay may cell phone o computer at ikaw rin dapat ay may access sa Internet. Ang online class ay tatagal lamang ng 2 hanggang 3 oras bawat araw upang hindi ka mahirapang kumonek sa internet.
Ito ang mga maaari ibigay na tulong sa iyo ng paaralan: 1) Para sa gadget, maari kang pahiramin ng paaralan ng gadget na magagamit upang ikaw ay maka-attend ng -online class. 2) Para naman sa Internet Connection, ang paaralan ay maaari kang bigyan ng load para magamit mong pangkunek sa Internet.
May training na ilulunsad ang paaralan para sa iyo, sa iyong mga magulang, at maging sa mga guro ukol sa paggamit ng mga aplikasyon na gagamitin sa pag-oonline class. Maari kang magpa-schedule upang ikaw naman ay maturuan kung paano gumamit ng iyong gadget na may assistive technology.
Hindi ka naman obligadong umattend online ngunit mas maigi sana kung ikaw ay makaka-attend din ng online class kahit once a week. Kung hindi ka makaka-attend, patuloy mo lang na gawin ang iyong mga modules. Tatawagan ka ng iyong mga guro upang kumustahin at gabayan ka sa iyong mga aralin. Maaari mo rin silang makontak sa pamamagitan ng text.
Oo, mayroon. Bukod sa braille, ang iyong modules ginawa ring accessible na maari mo ring mabasa gamit ang iyong gadget na may screen reader. Ito ay available sa ibat-ibang format: MS Word, PDF, HTML, at maging sa Audio. I-request mo lang ito sa iyong mga guro at tukuyin kung saan mo ito nais na ipadala sa iyo.

Tunay nga po palang  possible na ang tulad ko na maykapansanan sa paningin ay makapagpatuloy ng aking pag-aaral malayo man ako sa paaralan. 

Oo naman. Ang tanging hangad ng paaralan para sa lahat ng mag-aaral nito na maykapansanan sa paningin ay ang magkaroon kayong lahat ng access sa edukasyon sa iba’t-ibang pamamaraan modular man o online. 

Ano man ang iyong kasalukuyang baitang, kindergarten man o grade 12, aming iaakma ang iyong modules ayon sa iyong pangangailangan. Nasisiyahan kaming makita na kayo ay nakakapag-aaral kahit pa ito ay sa pamamagitan ng distance learning. 

SPECIAL PROGRAMS

The Kindergarten Special Program for Multi-Disabled Visually Impaired (MDVI) is a special program that caters to blind children that possess additional disabilities such as mental retardation, autism, attention deficit hyperactive disorder and learning disabilities.

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

The Alternative Learning System caters to blind individuals whose ages do not fall within the average school age bracket.but would like to finish elementary or secondary education, are offered a curriculum suited to their situations and needs.